lumipad ang aking mga magulang patungong Pilipinas ngayon. 1 month sila
dun. buti na lang may charge na ang private jet namin na pwedeng umabot
hanggang Cape of Good Hope kung saan ang stop over nila, tas mag
ra-raft na sila diretsong Pilipinas.

kung may gusto kayo ipadala sa'kin (pahabol na Christmas gift ba.haha
feelingera!), kontakin nyo lang si Gdwn, immeet nya si papu sa sabado
sa jabee philcoa.haha
na-iinggit ako...gusto ko din magraft pauwing Pilipinas.nyahehehe akshali, gusto ko lang umuwi sa Pinas. period.
ang
tagal matapos ng Wowowee, gusto ko na manood ng Bring It On. alam nyo
yung kanta ni Willie na compose ni Venhee (sp?!) Saturno na
"di mo ba alam na ikaw ang pangarap ko...lahat gagawin kung para sa'yo..."? yun. gusto ko yung kantang yun. kinikilig ako.haha
nagpunta
kong oxford street nung sabado para bumili ng ilang bagay. pagpunta ko
sa HMV, ang music/video store dito, laking tuwa ko nang madiskober ko
na sa lower ground pala ay sandamakmak ang dvds! akala ko kasi yung
nasa may entrance lang ang meron sila. but no! as in pati lumang disney
movies, classics, foreign films, musicals, featured films, etc ang
andon. ang saya-saya ko talaga! sa tunay na buhay kasi, hindi ako
marunong magshopping. lalo na ung spur of the moment-may sale kasi kind
of shopping. sumasakit lang ulo ko. kaya para mawala si headache, i
always end up in starbucks or in HMV. at ang nakakatuwa pa sa dvds ang
special features! gusto ko din kasi pinapanood yung deleted scenes,
trailers, the making at commentaries. balak ko na nga gawing hobby ang
pagkolekta ng dvds. mejo magasto nga lang.haha so anyway, that
saturday, after browsing for what seemed like an hour in my haven, i
was able to buy 5 dvds! (4.85 when you buy 20pounds worth of dvd kasi
yung isa.daya.) may nahanap akong casper, nightmare before Christmas,
parent trap, tuesdays with morrie at bring it on (i love no brainer
movies as much as war/epic movies. =D)! yung parent trap, favourite ko
talaga yun, kaya sobrang tuwa ko ng makita ko sya. at last copy na sya
non for that! pag nakahanap na ko ng stepmom at i am sam, super happy
ko na talaga!
Posted at 01:19 pm by charm